PINAY DIARY ENTRY 1: PASUKAN NA.
Sabi nga ni Gat. Jose Rizal, "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa malansang isda." (Tama ba?) Kaya, napagdesisyunan ko isulat ito sa wikang ipinamana pa sa'tin ng ating mga ninuno. Ang wikang Filipino.
Hunyo 9, 2008.
Nagtangka akong magpakamatay noong kamakalawa. Uminom ako ng limang tabletas ng SINECOD. Yung gamot sa ubo. Wala na daw kasi kong kwentang tao eh, kaya naisip kong tapusin na lang buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Malas. Walang nangyari sa akin. Masamang damo daw kasi ako.
__________________________________________
Maiba naman tayo.
Bigla na lang akong kinabahan.
Halos isang tulog na lang, balik nanaman ako sa dati. Mula sa pagbangon ng alas singko ng umaga, paggising sa sarili sa pamamagitan ng pagligo sa sobrang lamig na tubig at hanggang sa pagpasok sa paaralan ng maaga.
Noong nakaraang taon, ika-13 ng Hunyo nagsimula ang klase. Natatawa ako dahil magpahanggang ngayon, naaalala ko pa kung pano ako naging aligaga dahil sa sobrang pagkasabik makita muli ang aking mga kaibigan. Isip bata pa ako masyado noon.
Ang bilis nga naman ng panahon, ngayon, halos di ko man lamang naramdaman ang bakasyon.
Marahil naging masyado akong abala ngayon sa mga kung anu-anong bagay. Siguro nga. Hindi naman siguro dahil bumilis ang ikot ng mundo? Imposible.
Dahil sa itinakda ng ating KAGALANG-GALANG na Pangulong Arroyo na iusod ang Araw ng Kalayaan da ika-9 ng Hunyo, ang pasukan ngayong taon ay naging Hunyo 10, Martes. Mantakin mo yun, isang tulog na lang, balik eskwela na naman.
Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko.
Halo-halo. Kinakabahan ako, nasasabik ako at higit sa lahat, tinatamad ako. Hahaha. Likas na sa 'kin yung katamaran na yun, hindi na mawawala yun. Himala. Oo, may himala.
Isa lamang ang mahihiling ko ngayong taon na 'to.
Hindi na ako nag-aasam na makasama pa sa mga magagaling sa klase.
Hindi na rin ako nag-aasam na makasali sa mga programa sa eskwelahan.
Hindi na rin ako umaasang sisipag pa ako ngayon.
Ang tanging hiling ko lang, kahit ano man ang mangyari sa taong ito, sana maging masaya ako. Ayoko nang makigulo't magkaroon ng kaaway. Sana kahit paano, sumipag na ako at maging matiyagang abutin ang mga mithiin, alalaong baga, kung may tiyaga, may ROLLCAKE.
CREDITS:
Salamat kay Nigel, hehe:)